Pagmamahal Para sa Bayan

Pagkatapos basahin ang kabanata isa hanggang kabanata dalawampu’t apat, nagkaroon ako ng mas matinding pagmamahal para sa aking bayan. Sa pagbabasa, nakita ko ang pinaghirapan ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila. Nakita ko kung gaano sila minaltrato at inabuso. Dahil dito, inisip ko kung ano kaya ang pinagiisipan nila noong nangyayari ito. 

Base sa pagbabasa, nakita ko, konti lamang ang mga tauhan ang may katapangan upang labanan ang gobyernong kastila. Ngunit tinanong ko sa sarili ko, ano naman ginagawa ng iba? Ito ang tinanong ko rin sa sarili ko. Kahit ngayon sa ating lipunan, marami pa rin ang mga problema tungkol sa kalikasan, kabataan, pamahalaan, at iba pa at konti lamang ang mga taong lumalaban sa mga problemang ito. 

Pinapakita rin ng mga unang kabanata na lahat tayo ay may pagkakataon bilang isang bayani. Hindi naman sa paraan ng dahas o rebolusyon pero kahit rin sa pagunlad ng systema ng edukasyon dito sa Pilipinas.

Kaya naging inspirasyon ang mga unang kabanata na lahat ng mamamayan ay may responsibilidad para sa pagunlad ng bayan. Kahit anuman ang kaya, gaano kaliit ay may epekto rito. Kaya masasabi ko na pagkatapos magbasa, nakita ko kung gaano kahalaga ang aking papel bilang isang mamamayan. At dahil dito, mas tumindi ang aking pagmamahal sa Pilipinas bilang isang Pilipino.

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: