Namamatay ang Tao, Pero Hindi Kayang Patayin Ang Isang Ideya

Bilang mga mamamayan ng isang bayan, hindi tama kung ang gobyerno lamang ang nagpapakita ng pagkukusa para sa paguunlad ng isang bansa. Katulad ng Pilipinas, hindi dapat iwanan ang responsibilidad ng pagtatakbo ng isang bayan sa mga kamay ng gobyerno. Katulad sa panahon ng mga Kastila, nagkaroon ng daming isyu at problema tungkol sa paraan ng pag-gobyerno ng mga Espanyol. Ang pinakamalaking isyu sa panahon ng Kastila ay ang pag-aapi ng mga Pilipino. Ngunit may isang tao na may tunay na pagmamahal at may pagnanais para sa pag-unlad ng kanyang bayan. At ang tao na ito ay walang iba kundi si Jose Rizal.

Si Jose Rizal ay ang pambansang bayani ng Pilipinas at siya ay isang mahalagang tao sa kasaysayan ng ating bansa. Dahil sa librong Noli Me Tangere at El Filibusterismo na isinulat niya, napukaw niya ang mga isipan ng mga Pilipino na imulat ang kanilang mga mata tungkol sa mga pangyayari sa kanilang bayan dahil sa mga Kastila. Dahil sa mga librong ito, inakala ng mga Espanyol na baka magkaroon ng rebolusyon sa bayan ng Pilipinas.

Dahil sa pagkatakot ng pagkakaroon ng rebolusyon ng mga kastila, nahatulan ng gobyerno si Jose Rizal bilang isang traidor sa gobyerno ng mga Kastila. Dahil sa hatol na ito, nakulong si Jose Rizal sa Fort Santiago at dinala sa Bagumbayan at doon siya binaril at namatay. Dahil sa kamatayan ni Jose Rizal, nagkaroon ito ng silbi sa mga Pilipino. Nag-silbing inspirasyon ang kamatayan ni Jose Rizal para sa rebolusyon laban sa gobyernong Kastila. Hindi lamang sa kamatayan ni Jose Rizal ang nag-silbing inspirasyon para sa rebolusyon, pero ang dalawang librong na kanyang naisulat. Pero ngayon, maitatanong natin sa ating sarili kung ano ang silbi ng mga libro ni Rizal sa ating mga buhay kung halos isang daang taon na ang nakalipas?

Sa ating lipunan ngayon, madami tayong problema at isyung nararanasan. Pero kahit iba na ang panahon ngayon. Minsan nagkakaroon din tayo ng solusyon galing sa mga paraan ng pag-ayos ng problema ng mga dating Pilipino. Katulad ng gobyerno ngayon. Sinasabi ng madaming tao na walang silbi si Pangulong Aquino sa bansa dahil wala pa siyang nagagawa. Lagi tayong nagrereklamo na hindi na umuunlad ang bansa natin. Pero hindi natin nakikita ang ating mga tungkulin bilang mga mamamayan ng isang bansa. Hindi dapat natin itanong kung ano ang magagawa ng ating bayan para sa kanyang mga mamamayan, pero kung anu-ano ang magagawa natin para sa ating bansa.

Katulad ni Jose Rizal, noong nalaman niya na hindi tapat ang gobyerno ng kanyang bansa, tumayo siya para sa tama! Hindi siya pumayag na ipalipas ang isang problema na ganitong kalaki. Hindi rin siya nag-sayang ng oras sa pag-rereklamo at ginawa niya agad ang kanyang magagawa. Kaya bilang mga mamamayan, pwede maging inspirasyon si Jose Rizal at ang kanyang mga sulatin para sa ating pagmamahal sa bayan at paguunlad ng ating bansa.

Kahit sinuman sa ating lipunan ang makaka-impluwensiya sa ating mga kababayan. At kung nagawa natin ito, bilang mga ordinaryong tao, ito ay nagbibigay permiso sa mga ibang tao na gawin din ang dapat nilang gawin bilang mga mamamayan ng bansang Pilipinas.

Dahil sa mga isyu at problema ng bayan kailangan natin ng inspirasyon para magsimula ng pagbabago. Kailangan natin ng isang personalidad na makakaturo sa atin kung ano talaga ang ibig sabihin ng pagmamahal para sa kanyang bayan. Hindi lamang sa aspekto ng mga libro o sulatin pero sa aspekto din ng mga iba’t ibang katauhan. Dahil dito, nagbibigay linaw sa mga tao kung bakit pa natin pinapag-aralan ang mga akda ni Jose Rizal.

Ganito kahalaga ang mga sulatin ni Jose Rizal. Isa siyang inspirasyon sa mga kabataan ng ating bansa. Isang inspirasyon para magsimula ng pagbabago sa isang may potensyal na bansa. Hindi dapat natin sayangin ang mga pagkakataon na mauunlad natin ang ating mga sarili para maging mga lider ng bansa at mamuna sa pagbabago. Kung nagawa natin ito at kung tayo ay may isang apoy sa ating puso para sa paguunlad ng bayan, sigurado ako na maganda ang kinabukasan ng ating bansa.

Huwag nating kalimutan ang kamatayan ni Jose Rizal para sa ating bansa. Huwag natin kalimutan ang mga iba’t ibang bayani, katulad ni Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, na gumawa ng paraan para gumanda ang kinabukasan ng bayan. At huwag din natin kalimutan ang mga akda ni Jose Rizal na nag-bigay tanaw sa mga taong Pilipino. Gawin natin sila at ang mga akda bilang inspirasyon para sa mas mabuting kinabukasan para sa ating bayan. Kahit sinuman ay pwedeng maging bayani. Sinuman ay pwedeng tumayo para sa kanilang bansa. Pero may ilan lamang ang may tapang at tunay na pagmamahal ng bansa na kayang ipagtupad ang mga gawain na magbabago ng ating mahal na inang bayan. Ang bansang Pilipinas.

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: