KKK – Kagitingan at Kabayanihan sa Kabataan

Sa aking opinyon, ang pagliligtas ni Aladin kay Florante ay isang gawa ng kagitingan. Pero sa ating komunidad, bihira lang natin makikita ang mga gawain na katulad nito. May mga konting tao lamang na nagpapakita ng kagitingan sa ating mga komunidad katulad ng mga bumbero, pulis, at sundalo. Pero kahit tayo ay mga ordinaryong tao lamang, dapat kaya din natin magpakita ng kagitingan.

 

Hindi naman kailangan magligtas ng buhay para sabihin na nagpakita ka ng kagitingan pero isa itong malaking bagay na ipinupuri sa ating bayan. Katulad ng Ondoy at Sendong, may mga ordinaryong tao katulad ng estudyante, guro, at security guard na tumulong sa paghahanda ng mga relief goods para sa mga apektado na komunidad. Masasabi ko na dahil sa mga gawain nila, nakatulong sila sa mga pamilya na nangangailangan ng tulong. Dahil dito, isa itong gawain ng kagitingan at kabayanihan.

 

Sa simpleng paghahanda ng mga relief goods para sa mga taong nangangailangan, nagpapakita na sila ng kabayanihan at nagbibigay pag-asa sa iba’t ibang tao. Pero kahit tayo hindi nakatulong sa ilang pagkakataon, puwede naman tayong sumali sa mga iba’t ibang organisasyon sa ating mga eskwelahan na nagpapakita ng kabayanihan at kagitingan. Ang mga halimbawa ng mga organisasyon ay ang  Red Cross, Senior Scouting (Emergency Service Corps), Drives Committee, at iba pa.

 

Huwag dapat tayong maghihinayang sumali sa mga organisasyon na ito dahil hindi naman ito nagbibigay panganib sa buhay natin at makakatulong din tayo sa iba’t ibang tao na nangangailangan. Maganda na may mga tao na gustong tumulong kaya sila ay sumasali sa mga grupong ito. Kahit ngayon ay bihira lamang makita ang kabayanihan sa ating kabataan, may pag-asa pa rin para sa pagkakaroon ng kagitingan sa kabataan. Sana’y maging inspirasyon ang gawain ni Aladin sa lahat ng kabataan at mga taong nananais makatulong sa iba’t ibang tao.

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: