Limangpu’t Limang Anibersaryo, Limangpu’t Limang Panalo

Ngayong taon, ipinagdiriwang ng paaralang Xavier ang limangpu’t limang anibersaryo ng paaralan. Dahil sa espesyal na okasyon ngayon sa paaralan, madaming  bagong programa ang inihanda para sa pagpapadiriwang ng anibersaryo, pero ang pinakagusto ko sa lahat ang pagpapanalo ng limampu’t limang championships. Ito ang pangarap ng athletics department para sa pagpapadiriwang ng anibersaryo ngayong taon. Kasali ang lahat ng mga varsity teams sa pagpapanalo ng limampu’t limang championships. Isa itong simbolo ng karalangan at pagmamataas ng mga atleta ng Xavier para sa kanilang eskuwelahan. Kung maganap ang pangarap na ito, sigurado akong maaliwalas ang mga mukha ng mga estudyante at guro. Pero hindi ito mangyayari kung walang kusang palo ang mga atleta para mag-training para manalo sa lahat ng kanilang mga laban sa iba’t ibang isport. Pero kahit panalo, hindi dapat lumaki ang ulo dahil hindi talaga maganda ang pagiging mayabang. Inaasahan talaga namin magdilang anghel ang pangarap ng athletics department ngayong taon para maging mas espesyal ang pagdiriwang ng anibersaryo. Kaya sana may magandang hinaharap ang mga teams ng paaralan para talagang masayang masaya ang pagdiriwang ng limangpu’t limang anibersaryo ng paaralang Xavier.

 

Sources: http://a5.sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash4/296612_10150802100795722_615320721_20882251_1663860417_n.jpg

    • glenngomez08
    • October 24th, 2011

    Mahusay ang ginawang komposisyon maliban sa isang maling gamit ng talinghaga. Malinaw ang kaisipang nais na iparating sa mga mambabasa dahil sa maayos na daloy ng pangungusap. Ipagpatuloy mo ito!🙂

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: