Football vs. Basketball

Ngayon, madami nang isport sa mundo. May swimming, table tennis, at badminton. Pero sa aking opinyon ang pinaka popular na isport ngayon ay ang football at ang basketball. Pero kahit dalawa itong popular na isport sa mga tao ngayon, malaki ang kanilang pagkakaiba.

Madaming kadahilanan kung bakit magkaiba ang basketball at ang football. Ang mga kadahilanan nito ay kung saan linalaro ang mga isport na ito, kung gaano katagal linalaro, kung paano linalaro, at kung ano ang sinusuot kapag naglalaro ng football o basketball.

Ang football ay isang isport na ang uri ng paglalaro ay gamit ang mga paa. Hindi maaaring gamitin ang mga kamay kapag ang bola ay na sa isang manlalaro. Ang basketball naman ay isang isport na ang uri ng paglalaro ay gamit ang mga kamay. Kailangan i-bounce o dribble ang bola kapag dinadala ng isang manlalaro. Hindi maaaring sipain ang bola kapag ang bola ay na sa posesyon ng isang manlalaro.

Kahit man lang sa uri ng paglalaro ng dalawang isport na ito nakikita na natin kung gaano kalaki ang pagkakaiba ng dalawa.

Hindi lamang sa uri ng paglalaro na magkaiba ang basketball at football pero magkaiba din sila sa lugar na kung saan sila naglalaro. Linalaro ang football sa isang malaking football field. Ang taba ng field ay na sa 90 na metro at ang haba naman ay na sa 120 na metro. Malaki talaga siya kumpara sa basketball court. Ang basketball court naman ay linalaro sa isang indoor na court. Ang basketball court ay may taba ng 54 feet at may haba ng 92 feet.

Hindi maganda ang paglalaro ng isang isport kung hindi tama ang lugar kung saan kayo ay naglalaro. Hindi lamang sa lugar ang mahalaga sa paglalaro ng isport na ito pero sa mga sinusuot din ng mga manlalaro ng basketball at football. Hindi ganoon kalaki ang pagkakaiba ng sinusuot sa taas at baba ng mga manlalaro ng football at basketball pero ang pinakamalaking diperensya sa sinusuot ay na sa sapatos. Ang sapatos na ginagamit sa football ay may mga tusok sa ilalim para hindi madulas kapag tumatakbo sa field. Ang sapatos naman na ginagamit sa basketball ay gawa sa katad at goma para kumapit ang sapatos sa sahig at para hindi din madulas. Kahit iba ang materyales at ang disenyo ng sapatos, magkatulad ang kanilang layunin ng mga isport na ito.

Ang isang isport ay hindi maganda kapag masyadong matagal. Hindi din siya maganda kapag masyadong maikli ang oras ng paglalaro ng isang isport. Kaya sa bawat na isport may mga pamantayan na oras. Ang football ay linalaro sa loob ng 90 minuto. Ito ay mayroong dalawang kalahati na isa’t isa ay 45 na minuto. Ang oras ay hindi tinitigil kahit may foul or substitution. Kahit tumigil ang paglalaro hindi tumutigil ang laro. Pero sa huli ng isang kalahati ay mayroong Stoppage time. At ang basketball naman ay linalaro sa loob ng 48 na minuto. 12 na minuto sa bawat sangkapat. Mayroon itong 24 na segundong Shot clock na dapat bago maubos ang 24 segundo, tumira na ang isang team. Kapag may foul lamang tumitigil ang oras pero kapag lumalabas ang bola, hindi tinitigil. Bumago din ang shot clock kapag na-turn over ang bola sa kalaban. Nakikita natin na mas mahaba ang oras ng paglalaro ang football.

Nakikita natin galing sa mga nakasulat dito na malaki talaga ang pagkakaiba ng basketball at football. Sa suotin, sa paglalaro, sa haba ng oras at sa lugar. Pero kahit malaki ang diperensya o pagkakaiba ng dalawang isport na ito, dalawa silang popular sa mga tao ng mundo.

Sources:

http://en.wikipedia.org/wiki/Football_(ball)

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: