Tamang Atleta

Madaming sikat na basketbolista na madaming pera pero hindi magaling. Mayroon din na magaling pero mayabang. Ang tamang atleta ay dapat maging magaling at mapagkumbaba. Hindi ibig sabihin na magaling tayo kailangan natin isigaw sa buong mundo ito. Kapag ginawa natin ito mumukha tayong masama at inaakala ng iba na iniisip natin na tayo na ang pinakamagaling sa ginagawa natin.

 

Hindi dapat ganoon. Madami rin na basketbolista ang magaling pero hindi nagyayabang. Katulad ni Michael Jordan. Kahit madami na siyang napalunan na Championships hindi siya mayabang. Kapag naglalaro siya, hindi niya hinahabol ang pagiging sikat o ang pagkukuha ng madaming pera, pero naglalaro siya dahil mahal niya ang paglalaro ng basketbol. Ganito dapat ang lahat ng manlalaro ng kahit anong isport. Hindi dapat tayo naglalaro para mahabol ang kasikatan o ang pera. Naglalaro tayo dahil mahal natin ang laro.

 

Huwag tayo mag-alala kung hindi tayo gumaling agad. Babagsak din tayo sa ating buhay na pagiging atleta. Pero hindi dapat tayo huminto dahil sa isang bagsak lamang. Kailangan natin tumayo at gawin itong inspirasyon para magtagumpay sa huli.

Kagaya ng sinabi ni Batman, “The only way to get back up, is to fall down.” Kahit ang magagaling sa basketbol ay bumabagsak, isa pang halimbawa ay si Gilbert Arenas. Alam mo ba ang kanyang Jersey Number? Ang kanyang Jersey Number ay 0. Ginawa niyang 0 para kapag siya ay naglalaro, maalala niya kung saan siya nanggaling. Si Gilbert Arenas ay hindi laging magaling sa basketbol, noong rookie  pa siya, siya ay lagi nakaupo lamang sa bench. So ang ginawa niya, nagpraktis lamang at nagpraktis.

 

Katulad ni Arenas, hindi dapat tayo maging mayabang. Isa siyang halimbawa ng tao na ginamit ang pagbabagsak bilang isang inspirasyon sa kanilang buhay. Maganda ang epekto ng pagagamit ng ating pagbabagsak bilang inspirasyon sa ating buhay. Nakakatulong ito sa atin dahil naaalala natin kung saan tayo nanggaling bilang isang atleta at nacha-challenge natin ang ating sarili kapag iniisipan natin ang ating mga pagmamali. Kailangan din natin alalahanin ang ating mga pagkakamali para hindi natin ito mapaulit.

 

Ang masasabi ko dito na, hindi dapat tayo maging mayabang, huwag matakot magkamali, at gamitin ang pagmamali bilang inspirasyon. Pero hindi lamang sa pagiging atleta makakatulong ito pero kahit sa mga estudyante ngayon. Minsan, nagkakamali sa isang pagsubok at gusto na nilang sumuko. Okey naman ang magkamali dahil sa pagkakamali natin makakatuto rin tayo.

 

Kahit estudyante o atleta, alalahanin na lang natin ang mga natutunan natin dito. Maging mapagkumbaba, huwag matakot magkamali, at gamitin ito bilang inspirasyon. Kapag ginawa natin ang mga ito, pangako ko na magiging successful tayo sa ating mga gawain. Pero kahit matagal at mahirap ang pagaabot ng ating mga pangarap, huwag tayo sumuko ng mabilis. At kahit parang imposible abutin ang mga pangarap natin, kailangan lang natin alamin ang catch phrase ng Adidas, “Nothing is Impossible.”

    • glennbgomez
    • August 21st, 2011

    Nakapokus sa paksa ngunit nangangailangan pa ng pagpapalawak. Tiyak at kongkretong detalyeng sumusuporta sa pangunahing kaisipan. Magaling ang anyo at istraktura ng sulatin. Wasto at akmang pagtatalata. May sukat at kaayusan. May mga bahaging nakakapukaw ng interes ng mambabasa. Nakakatuwa. Nahahawakan ang atensyon ng mambabasa.

    Sana ay marami kang natutunan lalo’t higit sa pagsulat ng talatang nagsasalaysay. Tandaan na kapag nagsusulat mahalagang magkaroon ito ng magandang pamagat. Makatawag-pansing panimula, makabuluhang nilalaman at magandang wakas. Tiyakin na ito ay binubuo ng tatlo o higit pang talata. Sana ay marami kang natutunan sa ating aralin.

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: