Masustansyang Buhay

Kilala mo ba si Lebron James? si Neil Etheridge? o si Kobe Bryant? Sila ay mga atleta sa futbol at sa basketbol. Sila ang mga magagaling sa kanilang isport. Kagaya ko, sila din ay nagpra-praktis at laging na sa training. Pero hindi lang ang pagpa-praktis ang sekreto sa pagiging magaling. Kailangan din nilang maging malusog. Hindi mo ba naiisip kung saan nila nakukuha ang kanilang lakas? Hindi sa McDonald’s o sa Jollibee, pero sa mga masustansyang pagkain kagaya ng mga gulay at prutas.

 

Hindi lang sa pagiging atleta ang pangangailangan ng masustansyang diyeta, pero kahit sa pagiging isang modelo kailangan din. Alam mo naman ang mga modeling agencies, maarte sa mga katawan ng kanilang mga modelo at inaasahan nila na kailangan maging malusog ang katawan. Minsan, ang gusto nilang makita sa isang katawan ng lalaking modelo ay ang abs. Nakita mo ba ‘yung Azkals? Sila James at Phil Younghusband mayroong abs dahil sa kanilang workout at sa kanilang masustansyang kinakain.

 

Hindi lamang sa pagiging modelo at atleta na kailangang maging malusog, pero kahit sino ay nangangailangan ng masustansyang diyeta. Kailangan natin ng masustansyang diyeta para tumaas ang ating immune system. Importante ito dahil madaming tao ngayon na nagkakasakit at kadalasan sa panahon ng tag-ulan, dengue ang nakukuha. Minsan ang masama sa dengue, nakakamatay. Kaya kahit atleta o hinde, importante talaga kumain ng tama para tumaas ang ating immune system.

 

Naaalala mo pa ba noong tayo ay bata sobrang ayaw natin kumain ng mga gulay dahil hindi masarap. Katulad ng sinabi ko sa pangalawa kong blog, minsan hindi natin makikita ang epekto ng isang bagay ng mabilis. Katulad ng gulay, hindi natin makikita kaagad ang epekto pero sa huli makikita natin kung paano ito nakaktulong sa atin. Kaya para sa mga bata, mas maganda kapag kumain kayo ng gulay ngayon kay sa kumain ng kayo ay matanda na katulad ko.

 

Huwag natin i-under estimate ang ating katawan. Limitado lamang ang kaya ng ating mga katawan kaya kailangan natin ‘tong alagaan ng mabuti. Katulad ng sinabi ko, sa pagkakain ng mabuting pagkain. Pero hindi lang ito ang makakatulong sa atin. Nakakatulong din ang paghe-hersisyo. Maganda ang pag-lalaro ng isports katulad ng futbol o basketbol sa mababang idad para mas ma-develop  ang inyong skills hanggang kayong tumanda at makatulong sa pagaalaga ng inyong katawan.

 

Alalahanin natin ang mga sinabi ko dito. Ang pagkakain ng mabuti at masustansya at ang pagaalaga ng ating katawan. Makakatulong talaga ito sa atin hanggang tayo ay tumanda. Kahit sino man, makakatulong ito sa kanila. At huwag na huwag natin lampasan ang mga limitasyon ng ating katawan.

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: