Trabahong 24 Oras

Ako ay si Victor Datu, isang modelo, manlalaro sa basketbol at isang TV host. Mahirap talaga ang pagiging sikat. Madaming ginagawa at masyadong okupado. Minsan, sa umaga, may praktis ang basketbol team sa Araneta, tapos sa tanghalian, may Photo Shoot, at sa gabi, mayroong appearance sa isang Party sa Club Encore sa Fort Bonifacio. Kaya minsan, abala ito sa aking personal na buhay.

Dahil sa lahat ng aking ginagawa sa aking buhay, wala na akong oras para makita ang aking mga kapatid at ang aking mga magulang. Himala lang kasi magkaroon ng free-time sa aking trabaho. Pero kung mayroon akong oras, gagamitin ko ang oras na iyon para makasama ko ang aking pamilya. Kahit minsan lamang nangyayari ito, masaya pa din ako.

Bilang isang manlalaro sa basketbol, madami akong mga prioridad. Kailangan ko maging takda sa oras sa training at ayusin ang aking paglalaro. Sa basketbol, hindi lang ang paglalaro ang tinitingnan ng coach  namin. Tinitingnan din ni coach kung ano ang ginagawa namin sa personal na buhay namin. Siya ay parang isang magulang dahil sa lahat ng ginagawa ko sa trabaho ko, nalalaman niya. Kung may masama akong ginawa, kung nagkaroon ako ng photo shoot o endorsement, malalaman niya. Ginagawa niya ito dahil ang aming basketbol team ay parang isang pamilya. Kailangan namin magkaalaman ang mga ginagawa ng isa’t isa.

Hindi lang basketbol and inaasikaso ko sa aking pang-araw araw na pamumuhay. Inaasikaso ko din ang aking mga appearances sa TV at ang aking photo shoot. Kagaya ng basketbol, kailangan ko din maging takda sa oras sa aking mga appearances at Photo Shoot. Minsan, kapag ako ay nahuhuli dito, nagagalit sa akin ang aking manager. Siya din ay parang isang magulang ko. Inaasikaso niya ang lahat ng aking mga appointments kasama ang mga iba’t ibang TV Producers. 

Dahil sa lahat na ng inaasikaso ko sa aking trabaho at sa paglalaro ko ng basketbol, napagisipan ko na, “Magkakaroon pa ba ako ng oras para magka-girlfriend? May oras pa ba ako para sa aking pamilya?” Kaya sa trabaho ko, kailangan ko ring matuto sa pagaasikaso ng oras ko. Hindi puwede lagi labas dito punta doon. Hindi lagi puwedeng mag-blowout dahil kaya ko. Kailangan ko din mag-trabaho ng mabuti at pagkatapos ng lahat, puwede na ako lumabas at gawin ang kahit ano na gusto ko.

Masasabi ko na ang buhay ko ay parang isang buhay ng estudyante, madaming kailangan gawin para makakuha ng mataas na grado. Sa pagiging isang mabuting estudyante, kailangan mong maging masipag, matalino at magaling din. Sa buhay ko din, kailangan kong maging ganito. Wala akong maabutan kung hindi ako ganito. Ang isang estudyante din ay maraming natututunan araw araw. Parang ako, madami rin akong natututunan araw araw sa trabaho ko. Isang beses, nakalimutan ko na may appointment ako kasama ang isang producer pero iyon din pala mayroon din akong traning. Natutunan ko dito na kailangan kong maging sensitibo sa aking oras. Kailangan kong malaman ang lahat ng ginagawa ko para hindi mag-clash ang isa’t isang mga gawain.

Kahit sino man sa buhay ay may nadadaanan na problema. Hindi ibig sabihin na successful ka sa iyong trabaho na wala kang naranasan na problema o pagsubok. Kahit makaranas man ng problema, hindi ito masama. Nakakatulong din ito sa pagbubuti ng ating katauhan. Ako, minsan ang problema ko hindi ko na matiis at ayaw ko na gawin ang lahat pero natuto ko, saan ako makakarating kapag sumuko ako ngayon? Kaya kahit ikaw, kaya mo ang kahit ano basta huwag kang sumuko.

Sana ang kuwento ko sayo tungkol sa buhay ko ay makakatulong sa iyong buhay. Huwag kang mag-alala kung mahirap ang pagaabot ng iyong mga pangarap. Ganoon talaga ang buhay. Basta maalala mo lang ang sinabi ko sayo, huwag na huwag kang sumuko.

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: