Buhay Puno ng Desisyon

Sa kahit anong trabaho naman kailangang maging masipag at disiplinado. Kagaya ng sinabi ko sa una kong blog, huwag tayong sumuko, kailangan din natin ang mga virtues na ito. Paano tayo makaka-pokus sa ating gawain kung wala tayong disiplinado? Paano tayo magtatagumpay sa ating gawain kapag hindi tayo masipag? Kahit hindi natin ‘to nakikita, nakaka-apekto ito sa ating buhay sa ating trabaho.

 

Sa buhay ko ng pagiging atleta, nakita ko na ang epekto ng pagiging disiplinado sa training at sa pagiging masipag. Minsan, may pinapagawa si coach sa amin na, sa tingin ko, hindi nakaktulong sa amin at pinapapagod lang niya kami. Pero noong hindi ko ginawa, nakita ko din ang epekto nito sa akin, hindi ako gumaling kagaya ng ibang teammates ko. Kaya dito ko natuto, kahit hindi natin nakikita ang epekto ng isang gawain sa buhay natin, makikita din natin sa huli. Kahit mahirap at sa tingin natin hindi ito makakatulong sa atin, kailangan natin gawin na may disiplinado at kasipagan.

 

May kuwento ako sa inyo. Sa nakaraang dalawang linggo, nagkaroon kami ng tune-up  game kasama ang mga NBA All-stars na naglaro dito kalaban ang Smart-Gilas team. Sa laban na iyon, nakasama kong kalara ay sina Kobe Bryant, Kevin Durant, Derrick Williams, Derrick Rose at madaming iba pa. Noong nag-simula na ang laban namin, napaisip ako. Ang galing ko naman! Kasama ko nang kalaro ang mga NBA All-stars. Pagkatapos nito, naisipan ko kung makakaabot pa din ba ako dito kapag hindi ako naging disiplinado at masipag sa aking training?

 

Kahit hindi tayo sigurado sa mga mangyayari sa ating kinabukasan. Kailangan natin alalahanin ang ating mga ginagawa. Kailangan natin gawin ito dahil, para sa akin, nakakaapekto ang mga desisyon natin ngayon sa kinabukasan. Kaya kahit anuman ang ating ginagawa, kailangan natin gawin to nang masipag para mas-gumanda ang ating kinabukasan.

 

Hindi lang tayo ang maapektohan sa ating mga desisyon pero ang mga tao sa ating paligid. Hindi lang sa ating sarili ay tayo ay maging sensitibo pero kailangan din sa iba’t ibang tao. Sa ating buhay, marami ang ating makikilala na tao na makakatulong sa atin at puewde ring maging ating inspirasyon para sa ating trabaho. Hindi lang naman tayo ang nagpapatagumpay sa sarili pero ang mga tao na tumutulong sa atin. Kaya kapag mayroon din tayong ginagawa na may tumutulong sa atin, kailangan talaga nating maging sensitibo sa kanila.

 

Nalaman ko na pagiging sensitibo sa mga tao sa ating paligid ay mahalaga sa aking training. Isang araw, pumunta ako sa Fitness First para mag-workout. Hindi ko inaya ang aking mga teammates  dahil gusto ko ng alone time. Pero pagkatapos ko mag-workout tumawag ang aking coach  sa akin. Sinabi ng coach  ko sa akin na mayroon pala kaming press conference. Hindi ko nalaman na mayroong gagawin ang team sa araw na iyon. Kaya dahil sa akin, naguluhan ang skedyul ng lahat. Hindi ako naging sensitibo sa desisyon ko at naapektohan ang buong team.

 

Ang masasabi ko dito na kahit ano ang ginagawa natin sa buhay, kailangan natin mag-trabaho ng masipag at disiplinado. Kailangan natin ‘to dahil maapektuhan ang ating kinabukasan dahil sa ating mga desisyon. Kaya kailangan maging mabuti ang ating mga desisyon ngayon para mabuti ang ating kinabukasan. Ang huli na masasabi ko din dito na ay kailangan din nating maging sensitibo sa ibang tao kapag gumagawa ng mga desisyon. At ang huli na masasabi ko dito na kapag gumagawa ng desisyon, kailangan nating maging sensitibo sa ibang tao. Kapag gumagawa ng desisyon, hindi tayo lamang ang maapektohan nito pero ang mga tao din na tumutulong sa atin.

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: