Personal Blog #3: Sundalong Azkal

Matagal ko ng pinagiisipan ang tanong na kung ano ang nais kong gawin sampung taon mula ngayon. Madami din akong sagot para dito pero alam ko naman na hindi ko matutupad itong lahat. Mayroon lang akong dalawang inaasahan na maging trabaho ko. Isa, maging sundalo dito o sa Estados Unidos, at ang pangalawa, ay maging isang mahusay na manlalaro ng futbol o maging Azkal.

Matagal at mahirap ang processo sa pag-accomplish nito pero hindi ako susuko. Hindi ako susuko dahil ito ang gustong gusto kong gawin sa aking buhay. Gusto ko maging sundalo dahil noong 2009 namatay ang aking lolo dahil sa Emphysema at siya ay naging isang sundalo at naglaban sa WWII. Gusto ko din maging Azkal at isang magaling na manlalaro ng futbol dahil kapag ako ay naglalaro ng futbol, ang aking pakiramdam ay parang wala akong problema.

Alam ko na medyo mahirap ito gawin pero alam ko na maaabutan at magagawa ko ang aking mga pangarap. Hindi ko inaasahan na maaabutan ko ito na walang mga pagsubok at kahirapan pero ganoon talaga kung kailangan maging masipag sa mga gawain. Kahit ano naman ang ating mga pangarap sa buhay, mayroon itong mga pagsubok.

    • glennbgomez
    • July 19th, 2011

    Sana ay matupad mo ang iyong mga pangarap. Ipagpatuloy mo lamang ang paggawa ng mga bagay na sa tingin mo ay makatutulong sa iyo sa pag-abot sa mga ito. Alam kong alam mo kung ano ang mga nararapat mong gawin. Maganda ang iyong panimula at maayos ang ugnayan ng mga kaisipan. Bigyang-pansin mo lamang ang wastong paggamit ng ilang salita. Ipagpatuloy mo ito sa mga susunod pa nating sulatin.

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: